Saturday, July 4, 2009

Anie

May dalawang Anie sa buhay ko. Parehas ko silang kaibigan pero magkaibang-magkaiba silang klase ng kaibigan. Yung isang Anie nilisan na ang Pilipinas para magkalat sa Italya at yung isa namang Anie ay andito sa Pilipinas, nagmomold ng utak ng mga kabataan.


Si Anie (Italya) ay malayong-malayo sa tipo ng taong kakaibiganin ko. Hindi kami match sa katinuan dahil ibang level ang kasirauluhan niya. Mayaman sa experience itong Anie na ito. Walang bahid ng kahihiyan sa pagamin sa mga pagkakamaling nagawa niya sa buhay at walang pagdadamot niyang ibinahagi sa akin lahat ng mga bagay na natutunan niya the hard way. Dalawang taon nalulon sa droga si Anie. Memorize ko ang istorya ng adik days niya mula day one hanggang sa bonggang realization niya na ayaw niya na maging adik habang nasa kalagitnaan ng session with fellow adiks. Mas matindi pa sa drugs ang naging ugat ng kanyang muntikang downfall. Pagibig ata ang tawag dun. Kaya noong gising na gising na siya, ibinuhos niya ang buhay niya sa pagmamahal sa pamilya na labis niyang nasaktan at sa paulit-ulit na pagkanta ng Bb. Rocha hanggang sa halos kaboses na niya si Andrew E.


Si Anie (Pilipinas) naman ay ang aking breather. Matagal na kami magkaibigan pero ngayong taon mas pinagtibay ang pagkakaibigan namin. Hindi wild child ang Anie na ito. Naguumapaw sa wisdom, oo. Sa aming dalawa, runner up lang siya sa kasamaan. Favourite naming topic ang childhood namin, mga super friends, mga super enemies, mga kinasusuklamang ex-crushes, mga nagpupumilit mag-English, ang natatanging kiss and tell boy na kilala namin, mga kakilalang sinuko na ang ‘Bataan’, ang sex-obsessed world, mga atheist, mga twisted minds, mga lessons mula sa mga taong regalo ni God sa mundo, at siyempre yung taong matagal naming ipinagdasal at patuloy na ipinagdadasal para ma-achieve ang full renewal na kailangan niya at hangad namin for him. Wala kaming patawad sa oras ng Anie na ito. Walang umuuwi ng maaga kapag naupo na kami at nagsimula ng dumaldal.


Sa mga nagdaang buwan, si Anie (Pilipinas) ang naging katulong ko. Malaki ang utang ko sa kanya. Hindi ako aayos kung hindi dahil sa lahat ng tulong na ibinigay niya sa akin. Kung andito naman siguro si Anie na nagkakalat na sa Italya noong mga panahong sira ang ulo ko, baka araw-araw niya akong niyayayang tumambay para panuorin siyang tumumba ng isang case ng beer. Fact na malayo sa katinuan ang Anie na ito pero isang bonggang distraction naman siya at siguradong pampalakas ng loob.


Sinulat ko ang blog na ito hindi para pagkumparahin ang dalawang Anie sa buhay ko. Naisip ko lang na I’m lucky to have friends like them. Yun lang naman. Kaya, I love Anies! Mga taong maasahan at pampasaya ng buhay!


Teka nga pala… Dapat galit ako sa Anie(Italya) na ito dahil nalaman ko mula sa isang Butla (Pronunciation ng mga blokes and sheilas sa Butler na sounds like Bakla naman.) na hindi ko pala nilisan ng mayabang yung linsyak na call center na pinagtrabahuhan namin dahil yung last pay ko na sinadya kong hindi kunin e kinuha ng bruha. Forgery! Ang lupit talaga! Pero dahil ex-adik siya at pinainom naman niya ng tig-iisang bote ang mga Butla e pinapatawad ko na siya.